Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University

Alimpungat

Richell Isaiah S. Flores

para akong tinapik ng hangin, gising, sabi niya. di naman ito masamang panaginip, di ba? ang gumising nang dis-oras sa kalaliman ng gabi, ano bang bago? lagi kong naririnig ang magulang kong sabihing mahirap hulihin ang nakawalang antok, kung anong hayop yatang kailangang paamuhin at gawing alaga. ngunit nakawala na ang antok at ang kapatid nyang tulog. sarado ang ilaw. sa kadiliman pala maaaninag ang liwanag ng buwan sa bintana kong walang kurtina. may ilaw pa rin pala ang aninong ito. magkakilala kaya ang araw at ang buwan? ang araw-araw mamuhay nang may walong minutong pagitan, isang tricycle para bagtasin ang kahabaan ng katipunan papunta sa dormitoryo mo. tulog na ang lasing na kapitbahay kong bumirit ng kanta ng aegis kagabi. gusto ko ang ganitong katahimikan. ang marinig ang bentilador at ang aking paghinga. wala na ring makakausap sa messenger. walang bagong tweets. kung sana may katabi ako ritong payapang natutulog, malamang siya na ang naisulat ko. mas madali kong maisusulat ang damdamin. parang kusang nagpapakilala ang mga salitang nais maisulat at maialay. masarap ang may pag-alayan ng damdamin at ng salita at ng tula. sa halip, narito akong mulat sa tapik ng hangin, hihintaying umuwing muli ang alagang nag-alsa balutan.

Binabati ng HEIGHTS ang mga kontributor ng mga akdang inilathala sa ikalawang Regular na Folio sa Taong Panuruang 2019-2020

RICHELL FLORESJOHN GABATAEMMANUEL LACADINJEROME MAIQUEZREGINA POSADAS
SOLA FIDE RAMOSADRIAN SORIANOSEAN CARBALLOTOKADORMARK CAYANAN
PILAR GONZALEZMARIA LARGABEA RACOMAANDY REYSIO-CRUZCATE ROQUE
ZOFIA AGAMABRIANNA CAYETANORUBY DESCALZOPETE ROXASKERIMA SONACO
KRISTINA VALERAREGINE CABATOCORINNE GARCIACELLINE MERCADOMAHIKA REALISMO
Contribute for Upcoming +View this Folio on Issuu

Heights Vol. 68 No. 1