Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University

oda sa bl story kong hindi kailanman matutuloy

Tokador

nang balikan ko ang ating mga larawan at basahin ang mga nakasulat na entry sa journal kong tungkol sa iyo, napaisip ako, paano kung naging tayo? hindi nakatulong na kakatapos ko pa lang manood ng isang thai drama, at sinasabi ko sa iyo, inisip kong doon, tayong dalawa ang bida. kung bakit ba naman nasa likod ng mga sulat noong graduation ang dalawang sulat mong pinakaiingatan ko. pati iyong retratong nasa sala, naka-frame, binuksan ko para basahin ang sulat mo para sa akin. hindi gaanong maganda ang sulat mo sa totoo lang, pero naaalala ko ang paghawak mo sa ballpen, medyo nadudulas dahil napapasma ka. ang kamay na sumulat ng mga sulat na ito ang siya ring kumuha ng mga retratong pinakaiingatan ko. ang mga kamay na tumugtog ng gitarang nagpapakalma sa damdamin ko. di ako makapaniwalang maiisip pa rin pala kita. kung bl ang kwento ng buhay ko, malamang sa malamang nagawan ko na ng paraan para sabihin sa iyo na mahal kita nang higit pa sa inaakala mo. di hamak nang pasmado ka, magpawis ka man sa mga kamay ko habang naglalakad o naglalampungan tayo. pero kontento na ako rito, ang magbasa ng sulat ng kahapong sinulat ng iyong basang kamay. habang nasa akin pa rin ang katanungan, paano kung naging tayo?

Binabati ng HEIGHTS ang mga kontributor ng mga akdang inilathala sa ikalawang Regular na Folio sa Taong Panuruang 2019-2020

RICHELL FLORESJOHN GABATAEMMANUEL LACADINJEROME MAIQUEZREGINA POSADAS
SOLA FIDE RAMOSADRIAN SORIANOSEAN CARBALLOTOKADORMARK CAYANAN
PILAR GONZALEZMARIA LARGABEA RACOMAANDY REYSIO-CRUZCATE ROQUE
ZOFIA AGAMABRIANNA CAYETANORUBY DESCALZOPETE ROXASKERIMA SONACO
KRISTINA VALERAREGINE CABATOCORINNE GARCIACELLINE MERCADOMAHIKA REALISMO
Contribute for Upcoming +View this Folio on Issuu

Heights Vol. 68 No. 1