Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University

Asin*

Mahika Realismo

Ang sabi ni Nanang, bawat butil ng asin na natatapon at nasasayang ng isang tao’y kailangan niyang pulutin pagsapit niya sa purgatoryo. Ngunit tiyak ko rin sa lasa pa lamang ng aking luha, pawis, at dugo, magpupulot ako ng asin. Sa pagpapagal ko, siguradong sa kabuuan ng aking buhay, ang aking malilikom sa aking luhang iniluha, pawis na ipinawis, dugong idinugo’y sapat na asin upang magdanggit at daing ng isdang makakain sa pansamantalang pananatili sa purgatoryo.

Ngunit paano silang nagpadugo’t naghasik ng dugo? Silang dahil sa pawis ng iba’y hindi kinailangang pawisan? Silang nagpaluha nang nagpaluha sa danggit lang ang mauulam? Sila’y sa purgatoryo na mabuburo! Walang puknat na magpupulot ng asin sa ilalim ng tirik na araw na magpapatagaktak ng pawis, magpapaluha ng mga mata’t magpapadugo sa mga hiwang latay sa kanilang likod. Lahat ng mga pagpatak na ito’y muling magdadagdag ng butil sa kanilang pupulutin. Sakaling matapos ma’y guguho ang kinatatayuan nila dahil sa bigat ng asin at saka bubulusok pababa. Bubulwak muli ang asin na kanilang kailangang pulutin.

Binabati ng HEIGHTS ang mga kontributor ng mga akdang inilathala sa ikalawang Regular na Folio sa Taong Panuruang 2019-2020

RICHELL FLORESJOHN GABATAEMMANUEL LACADINJEROME MAIQUEZREGINA POSADAS
SOLA FIDE RAMOSADRIAN SORIANOSEAN CARBALLOTOKADORMARK CAYANAN
PILAR GONZALEZMARIA LARGABEA RACOMAANDY REYSIO-CRUZCATE ROQUE
ZOFIA AGAMABRIANNA CAYETANORUBY DESCALZOPETE ROXASKERIMA SONACO
KRISTINA VALERAREGINE CABATOCORINNE GARCIACELLINE MERCADOMAHIKA REALISMO
Contribute for Upcoming +View this Folio on Issuu

Heights Vol. 68 No. 1