Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University

Sa Tabi ng Bintana, malapit sa Palaisdaan ng di kilalang Kababayan

Richell Isaiah S. Flores

Saksi ang Kwaderno, ang Bolpen, ang Aklat, ang Silya. Kapangyarihan ko ang magbigay-Buhay sa mga

instrumento ng pagdanas. Ang mabigay-awit sa mga salita, ang bumuo ng armonya sa pakikipagkiskisan

ng papel at ng tinta habang nakatanaw sa bintana, ang makisaliw sa mga ngitngit ng tumba-tumba sa

sala, sa ritmo ng Opus ng kapitbahay para sa yero at martilyo. Kailangan kong lumikha sapagkat ito ang

di naitatala ng mga Tala, ang tila walang tapos na Karanasan.

I

Marahil ganito ang Kapayapaan, ang marinig ang

maingay na pagkukumpuni ng Kapitbahay

at ang awit ng mga Manok sa dakong di

kalayuan. Marahil

ito, ang maranasan ang pagpatak

ng

Pawis sa kwartong

kadalasa’y Pugon

ang init. Kaya’t kanlungan ang marinig

ang ikot ng Bentilador at waring ipahalik ang

Binti sa

Hangin. Marahil ang maupo—

Sumulat.

Sumandal.

Sumandali.

Daldalin ang Sarili kahit minsan.

Marahil ang magbasa.

Dama ko ang bawat Pahinang inililipat Paratian kong hawak ang gilid ng Pahinang

nililipad ng Bentilador. Kaya’t

bumati ang Galas at ang Galos nang mahiwa

ng salita: “Diyan ako naiwan, mahal,”

Kapwa pala kami may talim na tinatangan.

At nakiisa sa Pahina ang Pawis, na kaninang nagningning sa ginintuang sinag ng

namamahingang liwanag, nakisama sa Sisidlang ito ng Alaala, bago ko maisauli sa aking aklatan.

II

Kung tutuosin, ganoo’t ganoon din naman ang init ng araw. Lagi’t lagi, nagngangalit sa kanyang

pinaroroonan habang pinalilibutan ng bahagi ng sansinukoban. Subalit nagkasundo ang mundo, ang

Next Page

Binabati ng HEIGHTS ang mga kontributor ng mga akdang inilathala sa ikalawang Regular na Folio sa Taong Panuruang 2019-2020

RICHELL FLORESJOHN GABATAEMMANUEL LACADINJEROME MAIQUEZREGINA POSADAS
SOLA FIDE RAMOSADRIAN SORIANOSEAN CARBALLOTOKADORMARK CAYANAN
PILAR GONZALEZMARIA LARGABEA RACOMAANDY REYSIO-CRUZCATE ROQUE
ZOFIA AGAMABRIANNA CAYETANORUBY DESCALZOPETE ROXASKERIMA SONACO
KRISTINA VALERAREGINE CABATOCORINNE GARCIACELLINE MERCADOMAHIKA REALISMO
Contribute for Upcoming +View this Folio on Issuu

Heights Vol. 68 No. 1