Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University

Dito, d'yan, at sa dako roon

Regina G. Posadas

Saan ka pupunta? D’yan lang, aniya. Saan ang “d'yan”? Malapit lang, at kahit saan na walang ingay, takot, pagod o lamay.

D’yan lang, kung saan talo at maglalaho lahat ng pasaway at hindi masupil; pati na rin yaong karumal dumal, kahindik hindik, at karimarimarim.

Saan ba ang “d'yan” na 'yan? Hindi ko maintindihan. Sagot mo’y malabo at hindi tiyak. May misteryo ba d’yan, hiwagang taglay, o lihim na nakatago?

Basta, d’yan lang. Kung saan may liwanag, linaw, at ligaya. Bagamat hindi matanto, may kukuha at tatanggap, at pagbabagong ganap.

Huwag nang alamin Kung saan ang “d’yan”. Mapa dito, d’yan o sa dako roon, Ang layo at lapit, huwag nang sukatin. Hindi man makita, sana’y maniwala: Bawat hakbang palayo ay paglapit sa tadhana.

Ngunit bakit hindi mawala itong bagabag sa iyong pag-alis? Pakiwari ko’y ang “d’yan” ay ang katapusan, isang pagwawakas, at wala nang balikan.

Maaari bang sumama? Malapit lang naman. Madadala mo ba ako d’yan? Babalik ka, rito, diba? At hindi mo ako iiwan?

Binabati ng HEIGHTS ang mga kontributor ng mga akdang inilathala sa ikalawang Regular na Folio sa Taong Panuruang 2019-2020

RICHELL FLORESJOHN GABATAEMMANUEL LACADINJEROME MAIQUEZREGINA POSADAS
SOLA FIDE RAMOSADRIAN SORIANOSEAN CARBALLOTOKADORMARK CAYANAN
PILAR GONZALEZMARIA LARGABEA RACOMAANDY REYSIO-CRUZCATE ROQUE
ZOFIA AGAMABRIANNA CAYETANORUBY DESCALZOPETE ROXASKERIMA SONACO
KRISTINA VALERAREGINE CABATOCORINNE GARCIACELLINE MERCADOMAHIKA REALISMO
Contribute for Upcoming +View this Folio on Issuu

Heights Vol. 68 No. 1