Heights Ateneo — The Official Literary and Artistic Publication and Organization of the Ateneo de Manila University

Pakibalik ng Brip Ko

Adrian Soriano

Mga Tauhan

lalaki – 22 na taon. Pupunta ng grocery para bumili ng sibuyas at bell pepper. Gagawa siya ng stir fry noodles para sa kanyang pamilya pang tanghalian. Naka-basketball shorts siya at puting t-shirt. May dala-dalang wallet at cellphone.

snatcher – 16-18 na taon. Mahirap siya kaya snatcher siya. Nakajersey siya at shorts. Maliit lang siya. Maitim ang kulay ng balat.

pulis – Nasa 30’s na. Medyo mataba. Mukhang laging pawis.

Tagpuan

Eskinita. Tapat ng bahay. May mga wanted poster ng mga trabaho, apartment for rent, at ng mga politiko sa dalawang poste.

Magsisimula ang dula sa sigaw ng isang PULIS na tumatawag sa SNATCHER. Tutunog ang isang malaking bagsak. Nakatayo lang ang lalaki sa gitna ng entablado. Maririnig ang mga tunog sa stage left.

PULIS Hoy tumigil ka. Bumalik ka dito, snatcher!

SNATCHER Bobo, ba’t ako babalik sa’yo?

Tatakbo palabas ng stage right ang SNATCHER. Huhuliin ng LALAKI ‘yung SNATCHER.

SNATCHER Pakawalan mo ako, gago!

LALAKI ‘Wag ka nga magulo. Ba’t ka nanggaling sa bakod na ‘yun? At ano ‘yang bag na ‘yan. Sa’yo ba ‘yan?

SNATCHER Ang dami mong tanong, sino ka ba? ‘Di naman kita kilala.

PULIS Hoy may tao ba diyan? Ser, naririnig niyo ba ako? lalaki Opo. Nahuli ko po ‘yung hinahabol niyo. Hintayin na lang ba kita, boss?

SNATCHER Tangina mo, baboy! Ang bagal mo tumakbo!

Kakausapin ang SNATCHER.

PULIS Ang yabang-yabang mo. Tingnan natin, barilin kita diyan.

Kausap ang LALAKI.

Next Page

Binabati ng HEIGHTS ang mga kontributor ng mga akdang inilathala sa ikalawang Regular na Folio sa Taong Panuruang 2019-2020

RICHELL FLORESJOHN GABATAEMMANUEL LACADINJEROME MAIQUEZREGINA POSADAS
SOLA FIDE RAMOSADRIAN SORIANOSEAN CARBALLOTOKADORMARK CAYANAN
PILAR GONZALEZMARIA LARGABEA RACOMAANDY REYSIO-CRUZCATE ROQUE
ZOFIA AGAMABRIANNA CAYETANORUBY DESCALZOPETE ROXASKERIMA SONACO
KRISTINA VALERAREGINE CABATOCORINNE GARCIACELLINE MERCADOMAHIKA REALISMO
Contribute for Upcoming +View this Folio on Issuu

Heights Vol. 68 No. 1